Manila, Philippines – Hindi makakalusot sa Comelec ang dahilan ng mga kandidato na supporters nila ang nagkabit ng kanilang mga porters o tarpaulin sa hindi common poster area.
Ayon kay Comelec, kasama sa kanilang babaklasin ang mga posters na hindi sumunod sa tamang sukat na itinakda ng poll body.
Epektibo sa February 12 babaklasin ng Comelec ang mga posters at tarpaulins na inilagay ng mga kandidato bago pa man magsimula ang campaign period.
Aminado naman si Jimenez na sa ngayon ay wala pa silang kapangyarihan para ipatanggal ang mga campaign advertisement dahil sa February 12 pa lamang ang simula ng campaign period para sa mga kandidato sa national positions.
Sa March 29 naman ang umpisa ng kampanya para sa mga kandidato sa lokal na pamahalaan.