POSTHUMOUS AWARD | Pagbibigay ng award sa napatay na deputy chief of police ng Cainta-PNP, inirekomenda ng Rizal Provincial Police Office

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Rizal Provincial Police Office ang pagbibigay ng Posthumous Award sa napatay na deputy Chief of Police ng Cainta PNP.

Kinilala ang nasawi na si Police Sr/ Insp. Jimmy Senosin.

Si Senosin ay namatay matapos masabugan ng granada sa gitna ng engkwentro sa pagitan ng mga armadong drug suspect sa Floodway, Cainta.


Isa pang hindi pinangalanang residente sa lugar ang nasugatan matapos na madamay sa engkwentro.

Naaresto sa operasyon ang mga suspek na sina Ronald Idolog at Josephine Lachica habang patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang kasamahan nila na nakilala lang sa alyas “Ruben” at “Toto Ekis”.

Facebook Comments