POSTPONE | Concert ng Paramore bukas, iniurong sa Agosto

Showbiz – Medyo mapapahaba pa ang paghihintay dahil hindi muna itutuloy ang nakatakdang concert ng bandang Paramore sa Linggo, February 18 dahil iuurong muna ito sa August 23.

Sa official Facebook page ng banda, inanunsyo ng vocalist na si Hayley Williams ang postponement ng kanilang concert hindi lang dito sa maynila pati na rin sa Jakarta, Indonesia dahil sa problema niya sa kalusugan.

Dalawang araw na kasi siyang nakararanas ng throat at upper-respiratory infection kaya naaapektuhan ang kanyang boses.


Ito na ang ikatlong concert ng Paramore sa Pilipinas matapos ang matagumpay na konsyerto noong 2010 at 2013.

Facebook Comments