Sa naging pahayag ni Pangasinan Gov. Amado “Pogi” Espino, III ay sinang ayunan niya ang postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa darating na taong 2020.
Ayon sa kanya ay mainam umano itong ipagpaliban upang mas mabigyan pa ng atensyon ang ibang issue na kinakaharap ng lalawigan tulad ng security at sa ngayon ay ang banta ng African Swine Fever.
Dagdag ni Espino na kung magaganap ang eleksyon ay puro pulitika na ang pag uusapan simula ng huling buwan ngayon taon at doon nalang maitutuon ang atensyon ng mga tao na puro pulitika at makakaligtaan ang ibang issue.
Mas mainam umano na dapat ay magtulong tulong sa ngayon ang bawat isa lalo na umano sa bawat barangay na unang reresponde sa bawat pangagailangan ng mga taong nasasakupan.
Sa pagpapaliban ng eleksyon ay may panahaon pa umano ang mga opisyal na isaayos ang kanilang barangay upang mapabuti ang pamumuhay ng bawat residente at magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin.