Iginiit ni Senator Imee Marcos na matinding pananabotahe na ang ginagawa sa ating lokal na mga produkto.
Ginawa ng senadora ang reaksyon matapos ang ginawang pagpapaliban sa imbestigasyon ng Kongreso patungkol sa agricultural smuggling.
Ayon kay Marcos, malinaw namang may nagmamanipula sa mga food products para magkaroon ng artificial shortages at pagtaas sa mga presyo.
Aniya, lahat ng mga produktong sinasabing tumataas ang presyo at sinasabing kulang sa suplay ay halos pareho ang agricultural output at consumption at tuluy-tuloy rin ang importasyon.
Kasabay nito ay kinalampag ni Sen. Marcos sa Kongreso na mariing imbestigahan ang mga akusasyon patungkol sa lumalalang agricultural smuggling para matapos na ang mga pagpapalusot, at maparusahan na ang mga nasa likod ng smuggling.