Paranaque – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang apat na kalalakihan matapos na maaktuhang nagsasagawa ng pot session sa Tramo Tres Barangay San Dionisio Paranaque City.
Nakilala ang mga suspek na sina Glenrold Cosinos, Dolfino Gaspar,Rolly Mingad at Marlet Aguilar kapwa residente ng Tramo Tres Barangay San Dionisio Paranaque City.
Ayon sa imbestigasyon ni PCP 4 Chief Inspector Elizaldy Matulac nagsagawa ang kanyang mga tauhan ng Anti Illegal Drugs operation sa Tramo Tres Baeabgay San Dionisio dahil sa napaulat na mayroong nagpa-pot session sa lugar.
Pagdating ng mga pulis naaktuhang gumagamit ng shabu ang mga suspek kayat agad na dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.