Huli sa akto ang main drug suspect habang nagpa pot-session sa Villasis, Pangasinan, habang nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan nito.
Nauna nang nakatanggap ang awtoridad ng tip kaugnay sa umano’y pot session sa bayan.
Nakumpiska sa operasyon ang 5.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P38,080.00.
Nakumpiska sa operasyon ang 5.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P38,080.00.
Nakuha rin ang isang baril at bala, maging ang granada.
Haharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at R.A. 9516 illegal Possession of Explosives. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









