POTABLE WATER SA BRGY. CALOMBOYAN, SAN QUINTIN, INILUNSAD

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng San Quintin ang mapagkukunan ng malinis na inuming tubig sa Brgy. Calomboyan.
Ayon sa alkalde ng bayan, tiniyak na dumaan umano sa tamang proseso ang paglalagak ng kagamitan para sa proyekto upang tuluyang mai-rehistro sa potable water ang lahat ng barangay sa national government.
Enero ng nakaraang taon, nagsimulang makipagpulong ang tanggapan sa lahat ng Opisyal ng upang maipaliwanag sa kanilang nasasakupan ang layunin ng pagtatatag ng potable water.

Matapos ang paglulunsad sa Brgy. Calomboyan, umaasa ang ilang residente ng ibang barangay na magkakaroon na rin ng access sa potable water sa kanilang lugar ngayong taon.
Matatandaan na nagkaroon ng problema sa suplay ng malinis na tubig ang ilang residente ng San Quintin noong 2023 nang mapuno ng putik ang ilog na pinagkukunan ng inuming tubig dahil sa umano’y paghuhukay sa bahagi ng Caraballo Mountains para sa itatayong mini hydroplant sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments