POTABLE WATER SYSTEM SA ISANG BARANGAY SA POZORRUBIO, SINILIP NG MGA KINATAWAN NG ARITAO, NUEVA VIZCAYA SA ISANG BENCHMARKING ACTIVITY

Sinilip ng mga kinatawan mula sa Aritao, Nueva Vizcaya ang Potable Water System sa Barangay Buneg, Pozorrubio bilang bahagi ng kanilang isinagawang benchmarking activity.

Ibinida ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio ang naturang potable water system na nagsisilbing pinagkukunan ng malinis na inuming tubig ng mga residente sa barangay.

Ayon sa ulat, nagkakaroon ng regular na suplay ng tubig ang mga kabahayan na ginagamit sa pag-inom, pagluluto, at iba pang gawaing-bahay.

Kaugnay nito, nagsagawa ng site inspection ang mga kinatawan mula sa Aritao, Nueva Vizcaya upang makita ang aktwal na operasyon ng water system ng barangay bilang bahagi ng kanilang benchmarking activity.

Ayon sa barangay, mahalaga ang maayos na operasyon ng pasilidad upang masiguro ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa komunidad.

Ipinatupad ang proyekto ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio sa suporta ng iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, pinangangasiwaan ito ng barangay, kabilang ang sistema ng koleksyon ng bayarin at ang regular na maintenance ng water system. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments