Patuloy na pinag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang potensyal ng nuclear energy development sa bansa.
Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla na kasama sa opsyong pinag-aaralan maigi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad ng Small Modular Reactor (SMR) technology.
Dagdag pa ng kalihim, may ilang concern na ikinukonsidera ang pangulo ukol sa usapin ng nuclear development kabilang dito ang safety partikular ang pangamba sa nuclear meltdown.
Tiniyak aniya ng pangulo na anumang plano sa nuclear energy ay alinsunod sa International Atomic Energy Agency.
Bukod dito, kasama rin sa ikinukonsidera ang ‘suitability’ ng naturang power source o kung paano ito maide-deploy sa mga isla ng bansa.
Nariyan din ang concern sa presyo kung kakayanin ba ito ng pamahalaan at ng publiko.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya ang DOE sa iba’t ibang ahensya pati na sa Kongreso para sa legal at regulatory requisite ng planong nuclear development.
Samantala, naniniwala naman si Sec. Lotilla na sa loob ng dekadang ito ay maaaring nasa tamang direksyon na ang bansa sa nuclear energy bilang alternatibong power source.