Potensyal na oil at gas sa West Philippine Sea, bubusisiin ng Senado

Ipasisiyasat sa Senado ang potensyal na oil at gas sa West Philippine Sea para matigil na ang pagiging import dependence ng bansa sa kinakailangang enerhiya.

Layunin ng imbestigasyon na itulak ang exploration, development at utilization ng oil at gas reserves tungo sa pagkamit ng energy security at self-sufficiency.

Bunsod ng patuloy na energy shocks sa buong mundo, sinabi ni Gatchalian na mahalagang matiyak ang oil at gas potential sa West Philippine Sea nang sa gayon ay magkaroon ang bansa ng antas ng katatagan at proteksyon laban sa paglubha ng geopolitical conflict ng mga dayuhang bansa na nakaapekto sa presyo ng local energy.


Sinabi pa ni Gatchalian na ang kawalan ng oil at gas exploration at ang resulta ng kawalan din ng sariling oil at gas ay nakadagdag sa pagdepende ng bansa sa importasyon sa petroleum products mula 2021 at kakulangan ng energy self-sufficiency.

Katunayan aniya ang energy self-sufficiency ng bansa ay bumaba sa 51.15% noong 2021 mula sa 61.4% noong 2011.

Batay sa datos ng Department of Energy (DOE) noong 2021, mayroong estimated na 6,203 million barrels ng kabuuang oil resources at 12,158 billion cubic feet ng total gas resources sa West Philippine Sea.

Facebook Comments