Poultry Building sa Magarao, CS, Nasunog

14

Isang poultry house ang nasunog kahapon bandang alas 6:45 ng gabi sa bayan ng Magarao, Camarines Sur.
Ang nasabing poultry house ay pagmamay-ari ni Purificacion Balsa na nakatayo sa Zone 4, Barangay Monserat, Magarao.
Hindi naman natupok ang buong building dahil sa agad na pag-responde ng Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Magarao Fire Marshall Senior Fire Officer 3 Nelson Lumitao.
Bandang alas 7 ng gabi ang sunog ay idenekla ng under control.
Sa report ng pulisya, isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang himpilan upang ipaalam ang sumiklab na apoy sa nabanggit na bakanteng property.
Agad namang rumesponde ang mga myembro ng Buruea of Fire Protection at agad namang naapula ang apoy na tumupok sa malaking bahagi ng building na nagresulta rin sa medyo may kalakihang halaga ng damages.
Patuloy pa ang imbistigasyon ng pulisya kaugnay ng pangyayari at kung ano ang pinagmulan nito.
photo for representation purpose only, not the real footage.

Facebook Comments