Manila, Philippines – Aabot na sa 500,000 manok at iba pang poultry ang kinatay sa San Luis, Pampanga.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol – layon nito na maiwasan ang pagkalat ng avian influenza sa iba pang bahagi ng bansa.
Kasabay nito, sinimulan na rin ang pagkakatay sa 70,000 poultry sa bayan ng Jaen at San Isidro, Nueva Ecija.
Ito’y aniya nasa loob ng 1-kilometer radius na apektado ng bird flu.
Panawagan ngayon ng isa sa mga farm owner na si Manuel Ortiz-Luis – bilisan ang pagbibigay ng financial aid para sa mga umaasang empleyado ng mga farm.
Pipilitin naman ng Agriculture Department na matapos ang pagkatay sa mga manok, pato at iba pang poultry sa bayan ng Jaen at San Isidro sa loob ng isang linggo.
Samantala, handa na ang 31 milyong pisong pondo ng D-A para bayaran ang mga poultry raisers na naapektuhan ng bird flu outbreak.