Poultry products mula sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng avian flu, hindi dapat makapasok sa bansa

Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa gobyerno, partikular sa Department of Agriculture (DA) na pag-aralan ang posibilidad ng pag-ban sa poultry products mula sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng avian flu.

Diin ni Pangilinan, ito ang pinakamabisang first line of defense ng ating bansa para pigilan itong muling makadapo sa local poultry industry.

Iminungkahi din niyang, paigtingin ang inspeksyon sa mga inaangkat na poultry products sa pamamagitan ng pagtatalaga special teams na binubuo ng DA personnel sa mga ports, para walang makalusot.


Suhestyon pa ng senador sa DA, makipag-ugnayan sa local poultry industry, malaki man o maliiit, para masiguro na sapat ang supply ng manok lalo na sa inaasahang pagtaas ng demand ngayong Pasko.

Pinabibigyan din niya ng ayuda, lalo na ang maliliit na poultry raisers sa bansa.

Facebook Comments