Pinayagan na ng Department of Agriculture (DA) na maibiyahe palabas ng Luzon ang mga poultry product matapos ang halos tatlong buwang paghihigpit dahil sa bird flu.
Batay sa memorandum ng DA, pinapayagan nang ibiyahe ang day-old chicks, hatchers, at pullets mula Luzon at mga lugar na apektado ng bird flu patungo sa kahit anong lugar sa bansa.
Pero kailangan pa ring magpakita ng negatibong resulta para sa Avian influenza test para matiyak na walang sakit ang mga ibabiyaheng manok.
Nananatili namang suspendido ang pagbiyahe ng mga panabong, kalapati, pato at pugo.
Matatandaang mga duck at quail farms ang karamihan sa mga tinamaan ng bird flu sa 14 na probinsya sa bansa.
Facebook Comments