Poultry raisers, pupulungin ng DTI; Presyo ng manok sa Metro Manila, bumabagsak na rin dahil sa Avian flu outbreak sa Pampanga

Manila, Philippines – Pupulungin ng Department of Trade and Industry ang mga poultry raiser, sa harap ng pagdaing ng mga ito sa pagbagsak ng kanilang kita dahil sa Avian flu outbreak sa Pampanga.

Ayon kay Trade Undersecretary Teodoro Pascua, hahanapan nila ng solusyon ang problema ng poultry raisers kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture.

Kinumpirma rin ni Pascua na bumabagsak na rin ang presyo ng manok sa Metro Manila bilang domino effect ng outbreak sa Pampanga.


Pinauubaya rin ng DTI sa Department of Agriculture ang pagbibigay ng figure sa lawak ng epekto ngayon ng Avian flu outbreak sa mga manok sa Pampanga.

Facebook Comments