Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na magsabing siya ay mahirap noong 2018.
Ayon kay PSA-National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 16.6 percent ang poverty incidence noong 2018 kumpara sa 23.3 percent noong 2015.
Katumbas ito ng 17.6 million Filipinos na ang income o kinikitang pera at mas mababa sa poverty threshold.
Higit na mas kaunti kumpara sa 23.5 million noong 2015.
Ibig sabihihn ayon sa PSA, 166 sa bawat 1,000 Pinoy ang maituturing na mahirap o kabilang sa poor families.
Lumitaw sap ag-aaral na para sa taong 2018, ang pamilya na may limang miyembro ay kailangan ng P10,727 kada buwan para sa basic food at non-food needs.
Facebook Comments