Prayoridad ngayon ng LGU Buldon na maibsan ang kahirapan ng kanilang mga kababayan at maramdaman na ang matagal nang hinahangad na kaunlaran.
Ito pagsisikapan ngayong taon ng LGU kasabay ng kanilang ginawang Inter-Agency Dialogue on Care Work and Climate Change ngayong araw sa Brgy. Aratuc.
Tutukan ng LGU ang serbisyong ipaparating sa mga kababaihan, mga kabataan at mga ama ng tahanan , pahayag ni Mayor Abolais Manalao na sya ring nanguna sa aktibidad.
Nagpapasalamat rin ang alkalde sa mga Non -Government Organization at mga Line Agencies mula Maguindanao at ARMM Government lalo na kay ARMM Governor Mujiv Hataman na walang sawang sumusuporta at nagbibigay ng kaliwat kanang mga programa sa kanilang bayan.
Sinisikap rin ng 4th Class Municipality na magtutuloy tuloy na ang kapayapaang natatamasa bunsod na rin sa muling pagkakaisa ng mga nag-aaway na pamilya.
Hinihikayat lamang ni Mayor Manalao ang kanyang mga kababayan na tulungan ito sa pamamahala at maging responsableng tax payer.