Power distributors, may refund sa singil sa kuryente ngayong buwan

Asahan na ang refund sa singil sa kuryente sa July bill.

Ito ay makaraang ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na isoli ng mga power distributor sa kanilang mga customer ang hindi nagamit na regulatory reset cost.

Maglalaro sa P0.04 hanggang P0.08 per kilowatt hour ang refund.


Handa naman daw sumunod sa utos na ito ng ERC ang Meralco.

Aabot sa P0.0731 per kilowatt hour ang ipatutupad nilang soli-bayad.

Facebook Comments