Power generation companies, pinakakastigo ng senador dahil sa unscheduled power outages

Hinamon ni Sen. Chiz Escudero ang Department of Energy (DOE) at ang Energy Regulatory Commission (ERC) na papanagutin ang Power Generation Companies (GENCOS) sa unplanned power outages.

Ayon kay Escudero, lumalabas na hindi sumusunod ang GENCOS sa kanilang obligasyon para sa pagtatakda ng schedule ng power outages.

Aniya, dapat magpaliwanag ang power generation companies kung bakit nagkakaroon ng aberya na tila resulta ng kapabayaan ng GENCOS.


Una rito, makailang beses na nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Red at Yellow alerts sa Luzon at Visayas dahil 42 power plants ang tumitigil sa pagsu-supply ng kuryente o di kaya ay nagbabawas ng output.

Facebook Comments