Power generation companies, pinatitiyak na nakasusunod sa batas at mga regulasyon ng gobyerno

49

Manila, Philippines – Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOE at DENR ang mga power generation company.

Ito ay para malaman kung nakasusunod ba ang mga ito sa batas, mga regulasyon at polisiya ng gobyerno.


Gusto ng Pangulo na malinis na enerhiya ang mai-produce ng mga kumpanya ng enerhiya.

Sa dinaluhang switch on ceremony ng San Buenaventura Power LTD Co 500 Megawatt Coal Fired Power Plant sa Taguig City, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na  mamuhunan  sa industriya  ng malinis na enerhiya.

Malaking tulong aniya ito para madagdagan ang power supply sa bansa.

Ayon sa Pangulo, makaaasa ang mga negosyante  na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang kanilang negosyo at maging mas epektibo ang kanilang business strategies basta isusulong lamang ang proteksiyon ng  kalikasan at  ng komunidad.

Facebook Comments

From Advertisers