Dahan-dahan ang ginagawang load restoration mga power plants sa Panay Island upang ‘di na maulit ang voltage failure.
Ayon sa National Grid Corporation (NGCP), sa kasalukuyan ay mayroong 203.9MW mga power plants. Sinusuportahan naman ito ng 11.1MW mula sa ibang sources sa Visayas.
Sa ngayon, may kabuuang 210.8MW served loads ang mga planta.
Ang grid ay mangangailangan ng 135MW para ma-stabilize ang voltage capacity.
Inaantabayan na lang ang pag-synchronize ng PCPC (135MW) para maibalik sa normal ang serbisyo sa Visayas grid.
Sa sandaling mangyari ito, handa na ang NGCP na mag-transmit ng power supply.
Facebook Comments