POWER GENERATOR PROJECT SA NAGTIPUNAN, NATAPOS NA

CAUAYAN CITY – Pangunahing layunin ni Mayor Noel Lim ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa Munisipalidad ng Nagtipunan, Quirino.

Dahil dito, isang Power Generator ang kanyang naging proyekto bilang solusyon sa nasabing problema.

Madalas kaharapin ng kanilang lugar ang kawalan ng sapat na kuryente dahilan ng pagkaantala sa mga operasyon ng lokal na pamahalaan at labis na nakakaapekto sa serbisyo publiko.


Ang nasabing power generator ay magbibigay ng tuluy-tuloy na suplay ng kuryente, lalo na sa mga oras na nawawala ang suplay nito.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng alkalde na magkakaroon pa ng mas maraming proyektong tutugon sa pangangailangan ng komunidad.

Facebook Comments