Power interruption, mararanasan sa ilang bahagi ng Negros Oriental sa Sabado

Negros Oriental – Makararanas ng labing-isang (11) oras na power interruption ang ilang bahagi ng Negros Oriental sa Sabado, September 2.

Ito ay dahil sa maintenance activities na isasagawa ng National Grid Corportation of the Philippines (NGCP) sa 69 kilovolt na amlan-guihulngan line.

Magsisimula ang power service interruption ng alas 7:00 ng umaga sa Sabado at tatagal hanggang alas 6:00 ng gabi.


Maapektuhan ng brownout ang mga sakop ng NORECO i-partikular ang Bais, Bindoy at Guihulngan substations at ang Tanjay substation sa NORECO II.

Facebook Comments