POWER INTERRUPTION SA WESTERN PANGASINAN, POSIBLENG MARANASAN HABANG PAPALAPIT ANG BAGYONG UWAN SA LUZON

Nag-abiso ang pamunuan ng electric cooperative sa Western Pangasinan sa posibleng power interruption na maranasan sa lugar habang papalapit sa Luzon ang binabantayang sama ng panahon sa bansa.

Bahagi ito ng preparedness protocol ng Pangasinan I Electric Cooperative bilang pag-iingat sakaling malakas ang bugso ng hangin.

Nauna nang nakaposisyon ang mga line men at technical teams at nakahanda na ang mga materyales sa mga sub-station sa Dasol, Bani, Bolinao at Alaminos City.

Ngayon pa lamang, nag-abiso na ang tanggapan sa mga barangay council sa kaukulang pruning operation sa mga sanga ng puno o halaman na nakadikit sa mga linya ng kuryente.

Hinihikayat din ang mga konsyumer na i-charge na ang mga gadget at manatiling ligtas sa loob ng tahanan.

Sa ilalim ng protocol, inaasahan na mababawasan ang posibleng pinsala sa suplay at linya ng kuryente sa lugar.

Facebook Comments