POWER OF THE PURSE | Budget Reform Bill, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Budget
Reform Bill o House Bill 7302 na layong palakasin ang “Power of the Purse”
ng Kongreso.

Sa botong 158 Yes, 8 No at 1 Abstain ay naipasa sa 3rd and final reading
ang panukala.

Sa ilalim ng panukala ay layuning mapalakas ang accountability at
transparency ng Kongreso sa budget.


Inaatasan dito ang Kongreso na bantayan at i-review ang performance ng mga
ahensiya ng gobyerno at panagutin ang mga ito sa kanilang tinatawag na
financial at non-financial performance.

Maaaring maharap sa kaso at masisibak pa ang sinumang opisyal o kawani na
lalabag sa Budget Reform Act.

Facebook Comments