Power of the Purse ng Kamara, dinepensahan ng House Committee on Appropriations; 2018 budget, planong pagdebatehan sa plenaryo sa loob lamang ng limang araw

Manila, Philippines – Sinalag ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles ang patutsada ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi na nagagampanan ng Kamara ang “Power of the Purse” nito at sumusunod lamang sa dikta ng ehekutibo.

Kasabay nito ay hinamon ni Lagman ang house leadership na ibalik ang supremacy lalo na sa pagpapasa ng budget.

Pero depensa naman dito ni Nograles, walang basehan ang mga pahayag ni Lagman dahil mabusisi ang pagtalakay ng kanyang komite sa budget.


Bukod dito, may dadaanan pang pre-plenary budget discussion bago tuluyang isalang sa plenaryo ang 3.7 Trillion na pondo para sa 2018.

Mahigpit aniya ang proseso ng Kamara kaya imposible ang sinasabi ng Magnificent 7 na wala na ang “Power of the Purse” ng Mababang Kapulungan.

Nauna dito ay pipilitin ng House Committee on Appropriations na matapos ang plenary debate sa budget sa loob lang ng limang araw.

Matatandaang noong nakaraang taon ay tinapos lamang sa loob ng pitong araw ang budget para sa 2017 kung saan umaga hanggang gabi ang inabot ng talakayan sa plenaryo.

Facebook Comments