Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng makaranas ng rotational brownout ang buong Luzon bunsod ng mas mataas na demand sa panahon ng tag-init.
Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), posibleng umabot sa 12,387 megawatts ang maging peak demand ng Luzon sa huling linggo ng Mayo.
Mas mataas ito sa 11,640 megawatts na actual peak load na naitala noong nakaraang taon.
Dahil dito, hindi papayagang magsagawa ng maintenance shutdown ang mga planta sa buwan ng Abril hanggang Hunyo maliban lamang sa mga hydroelectric power plants.
Ito ay upang masiguro na sapat ang suplay ng kuryente lalo sa nalalapit na 2022 national and local elections.
Facebook Comments