Inihayag ng pamunuan ng Department of Energy (DOE) na nagpatupad ito ng emergency power shutdown kahapon ng dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ito ay ang Bacman Geothermal Power Plant na nasa lalawigan ng Albay at Sorsogon.
Pasado alas-8:00 palang ng gabi noong October 31 ay iniligay na nila ito sa emergency shutdown bilang pre-emptive measure laban sa super typhoon.
Maliban dito, wala na aniyang power plant na naka-shutdown at ang lahat ay nasa maayos naman ang mga status nito.
Gayumpaman, patuloy na makikipag-ugnayan ang DOE-led Task Force on Energy Resiliency sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at energy industry ng bansa upang agad na matugunan ang mga problemg maaaring makakaaapekto sa supply ng kuryente sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.