Nasa 92.95% na ang power restoration sa mga lugar na apektado ng bagyong Ompong (Mangkhut) sa hilagang bahagi ng bansa.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), mula sa 2,363, 504 na mga apektadong tahanan 2,196,795 na ang naibalik ang supply ng kuryente.
Sa Region 1 kaunting porsyento na lamang ang kailangan upang maibalik ang 100% electric supply partikular sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Habang sa Region 2 partikular sa Cagayan II ang mas kailangan ng tutok para ma-restore ang kuryente dahil nasa 37.11% pa lamang ang naibabalik na suplay.
Sa Region 3 partikular sa Aurora Province ay naibalik na ang 99.88% suplay ng kuryente habang sa CAR ang Abra, Kalinga Apayao ang mga lugar na kailangan pa ng doble kayod para ma-restore ang power supply.
Target naman ng DOE na maibalik ang 100 porsyentong suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon.