Nasa 94.86% na ang power restoration sa mga lugar na apektado ng bagyong Rosita sa hilagang bahagi ng bansa.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), mula sa 1,412,185 na mga apektadong tahanan 1,339,565 na ang naibalik ang supply ng kuryente.
Sa Region 1 kapwa 100% nang naibabalik ang suplay ng kuryente sa La Union at Pangasinan.
Habang sa Region 2 ang ilang lugar na lamang sa Isabela at Quirino ang hindi pa naibabalik ang kuryente.
Sa Region 3 balik narin ang power supply sa Aurora habang sa Cordillera Administrative Region (CAR) tanging sa ilang lugar na lamang sa Ifugao ang wala pang isang daang porsyento ang kuryente.
Samantala, target naman ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang 100 porsyentong suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>