POWER RESTORATION NG PANELCO 1 SA MGA SITIO AT MEMBER CONSUMER OWNERS, TULOY-TULOY

Matagumpay nang naibalik ang suplay ng kuryente sa lahat ng barangay levels sa nasasakupan ng Pangasinan I Electric Cooperative (PANELCO I) matapos ang walang sawang pagtutulungan ng Task Force Kapatid at PANELCO I.

Batay sa power restoration update nitong Agosto 20, 2025, umabot na sa 100% ang pagbabalik ng kuryente sa barangay levels, habang nasa 92.75% na ang naibabalik na serbisyo sa mga sitios at indibidwal na member consumer owners. Patuloy pa rin ang operasyon upang maibalik ang suplay sa natitirang apektadong lugar.

Lubos ang pasasalamat ng PANELCO I sa dedikasyon at sakripisyo ng kanilang mga linemen at katuwang na electric cooperatives sa ilalim ng NEA-PHILRECA-EC Task Force Kapatid, na walang sawang nagtrabaho para sa mabilis na pagpapanumbalik ng kuryente sa mga komunidad.

Matatandaan na naputol ang supply ng kuryente sa western Pangasinan noong kasagsagan ng bagyong emong na nagpadapa sa maraming poste ng panelco 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments