POWER RESTORATION SA BATANES, PATULOY NA ISINASAGAWA NG BATANELCO

CAUAYAN CITY- Puspusan ang isinasagawang pagsasaayos sa mga linya ng kuryente sa mga lugar na nakaranas ng pagkawala ng suplay nito dahil sa Bagyong Julian sa lalawigan ng Batanes.

Ang pagsasaayos ay pinangunahan ng Batanes Electric Cooperative katuwang ang mga lineman mula sa iba’t-ibang electric cooperatives katulad ng ISELCO, NUVELCO, CAGELCO, at QUIRELCO.

Ayon sa ulat ng BATANELCO, apat mula sa anim na bayan ang may suplay na ng kuryente na kinabibilangan ng Basco, Mahatao, Sabtang at Itbayat ngunit may mga bahagi pa rin nito ang wala pang kuryente dahil tuluy-tuloy ang isinasagawang power restoration.


Facebook Comments