POWER RESTORATION SA MGA BARANGAY SA WESTERN PANGASINAN, NASA 85% NA

Nagpapatuloy ang power restoration sa mga barangay sa Western Pangasinan na nawalan ng kuryente dahil sa naging pananalasa ni Bagyong Emong.
Ayon sa Pangasinan I Electric Cooperative, nasa 85% na ng mga apektadong barangay ang mayroon na muling suplay ng kuryente.
Base sa Power Monitoring Report ng pamunuan as of August 11, 2025, nakamit na ang 100% sa Bolinao, Dasol at Infanta.
Malapit lapit na ring maibalik ang suplay sa mga bayan ng Agno, Anda, Alaminos City, Bani, Burgos, at Mabini.
Samantala, matatandaan na higit naapektuhan ng nagdaang bagyo ang Western Pangasinan ilang linggo pa lamang ang nakakalipas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments