Power restoration sa mga lalawigang nawalan ng kuryente dahil sa kalamidad, dapat matapos bago mag-Pasko —PBBM

Doble-kayod ang Department of Energy (DOE) para muling maibalik ang kuryente sa mga lalawigang lubhang pinadilim ng nagdaang bagyo.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOE Usec. Mario Marasigan na target ng pamahalaan na mapailawan ang lahat ng konsumer bago mag-Pasko, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Gayunman, inamin ng DOE na hindi pa rin masisiguro ang 100% na pagpapanumbalik ng kuryente, lalo na sa mga lugar na wasak ang kabahayan at hindi pa maabot ng mga lineman.

Naka-full force na ang Task Force Kapatid, kung saan halos 36 electric cooperatives, 73 teams, at mahigit 500 crew ang sabay-sabay na kumikilos para mapabilis ang power restoration at maibalik ang serbisyo sa mga apektadong komunidad sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments