Target ng Department of Energy (DOE) na bago mag-2020, lahat ng kabahayan ay mayroon ng kuryente batay sa 2015 census.
Una rito nakipagpulong si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga opisyal at board of directors ng National Electrification Administration (NEA) at Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. at tinalakay ang mga development at status ng electrification.
Sa pulong binigyan diin ng kalihim, ang battle cry ng kagawaran na magbigay ng kuryente sa lahat at kailangang magmadali sa pagbibigay ng kuryente.
Hiniling din kalihim ang tulong at tapat na pagsisikap ng mga electric cooperatives na ibahagi sa kagawaran ang mga proseso na kailangan pang mapagbuti.
Bukod dito, hinimok niya ang kooperasyon ng energy regulatory agencies na bumuo ng isang master plan na isusumite sa pagtatapos ng buwan.
Upang magawa ito, ang DOE ay lilikha ng isang project management team na pangungunahan ni Assistant Secretary Redentor Delola at Director Mario Marasigan.
Ang buong energy family ay nagtutulungan upang mapahusay pa ang mga hakbang kung paano gumawa ng energy services na mas maaasahan at pangmatagalan.