POWER SUPPLY | Mga lehitimong naninirahan sa AFP at PNP housing project sa Rodriguez, Rizal, kumapit na sa fixer

Rodriguez, Rizal – Nabunyag na kumukuha na ng serbisyo ng mga fixer ang mga omokupa sa AFP at PNP housing project sa Rodriguez, Rizal para magka-kuryente.

Sa dialogue sa pagitan ng NHA at Homeowners Association, lumitaw na marami pa palang kakulangan sa loob ng housing project tulad ng tubig at kuryente.

Ipinangako naman ni NHA Calabarzon General Manager Susan Nonato na ire-reimburse o bibigyan ng siyam na libong piso ang mga lehitimong occupants para palitan ang nagastos sa kuryente.


Aniya, ibinabawal ang paggamit ng fixer dahil dapat nakasunod sa disenyo ang linya ng kuryente sa mga pabahay.

Hinimok ng National Housing Authority (NHA) ang Homeowners Association sa AFP at PNP housing project na maging alerto at magkaisa sa pangangalaga sa kanilang subdivision.

Hiningi nito ang kooperasyon ng may 715 pamilya na naninirahan sa lugar para bantayan ang kanilang lugar upang hindi na maulit pa ang tangkang pag ukopa ng grupong Kadamay.

Dahil sa tangkang pag ukopa ng Kadamay, nakaalerto na rin ang iba pang residente sa mga pabahay ng pamahalaan para hindi na maulit pa ang nangyari sa housing project sa Pandi, Bulacan at ang panibagong tangkang pagpasok sa Rodiguez, Rizal.

Facebook Comments