Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang provincial government ng Palawan at ang energy cooperative nito hanggang sa katapusan ng taon para ayusin ang palagiang brownout sa probinsya.
Ayon kay Duterte – nakararanas ang lalawigan mula anim hanggang walong oras na walang kuryente.
Dagdag ng Pangulo – kapag hindi nagawang maayos ng Palawan government ang problema sa itinakdang deadline ay magpapasok siya ng mga malalaking players.
Nais ng pangulo na makausap si Palawan Governor Jose Alvarez at Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron para talakayin ito.
Base sa mga reklamo ng mga residente, ang Puerto Princesa at Southern Palawan ay nakararanas ng daily power interruptions mula pa noong 2017 dahil sa problema sa mga power lines at generator ng kanilang independent power provider.