Walang mararanasang brown out ang mga customer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayon holiday season.
Tinapos na kasi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang lahat ng preemptive at maintenance works nito sa Central Luzon bago pa ang holiday season.
Sinabi ni Ernest Lorenz Vidal, NGCP Regional Corporate Communications head, sa natitirang mga araw ng Disyembre, walang naka-schedule na power interruption ang NGCP.
Lahat ng naka-schedule na may kinalaman sa maintenance activities ay na-implement o naipatupad ng lahat.
Ngunit sa kaso ng emergency o un-scheduled interruption na sanhi ng hindi inaasahang pangyayari, sinabi ni Vidal na ang NGCP linemen at mga tauhan nito ay nakahandang tumugon anuman oras.
Nanawagan din si Vidal sa publiko na iwasan ang pagkakaroon ng mga aktibidad sa mga transmission lines ng NGCP, lalo na ngayon papalapit ang Bagong Taon, uso ang paputok, sana naman daw ay huwag magpaputok malapit sa mga pasilidad ng NGCP dahil posible itong maging dahilan ng unscheduled power interruption.