Power transmission sa Bukidnon hindi naapektuhan ng lindol ayon sa NGCP

29

Walang nasira ni isa mang Power Transmission Facilities ng National Grid Corporation (NGCP) sa Kadilingan, Bukidnon ng mangyari ang magnitude 5.9 na lindol kagabi.

Sa kalatas na inilabas ng NGCP, nanatiling intact ang Mindanao Grid pagkatapos ng pagyanig.


Wala ring ulat ng power interruption at pinsala sa iba pang Transmission Facilities sa mga kalapit lugar na nakaranas din ng pagyanig.

Samantala sa kabila ng pamemerwisyo ni Bagyong Ramon sa Hilagang Luzon nagiging normal din ang operasyon ng mga Transmission lines at pasilidad ng NGCP sa Rehiyon.

Facebook Comments

From Advertisers