Power transmission sa Luzon, hindi apektado ng 5.3 magnitude na lindol sa Isabela

Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na nananatiling normal ang serbisyo ng power transmission sa Luzon Grid sa kabila ng tumamang ng 5.3 magnitude na lindol sa Maconacon, Isabela nitong linggo.

Ayon sa NGCP, wala namang naitalang power interruptions na maiuugnay sa nangyaring pagyanig.

Wala ring naitalang pinsala sa anumang transmission facilities sa lalawigan.


Una nang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na inaasahan ang aftershocks kasunod ng pagyanig.

Facebook Comments