Powerhouse Serbia, makakatunggali ng Gilas

Muling masusubukan ang tibay ng Gilas Pilipinas dahil makakalaban nila mamayang gabi ang powerhouse na Serbia sa 2019 FIBA World Cup.

Ang Serbia ay rank no. 4 sa mundo habang ang Pilipinas ay nasa rank 31.

Naging masaklap ang kabiguan ang Gilas sa kamay ng Italy sa huling laban nito sa iskor na 62-108.


Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao – kombinasyon ng masamang turnovers at palyadong three-pointers ang dahilan ng masaklap na pagkabigo nila sa Italy.

Inako naman ni naturalized player Andray Blatche ang kanilang pagkatalo dahil hindi ibinuhos ang kanyang lakas at puso sa laro.

Matatandaang nandoon pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang unang laban at bumisita pa sa kanilang locker room para magbigay ng “words of encouragement.”

Facebook Comments