POZORRUBIO, NAKATAKDANG GUNITAIN ANG IKA-155 FOUNDING ANNIVERSARY NG BAYAN

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio na nakatakdang gunitain sa darating na Enero 13 2025, ang ika-155 founding anniversary ng Pozorrubio.
Sa inilabas na Office Memorandum No. 01-01 series of 2025, idineklara bilang special non-working holiday ang nasabing araw.
Ibig sabihin walang klase sa pampubliko at pribadong paaralan maging sa opisina ng gobyerno.

Ang deklarasyon ay upang bigyang-daan ang mga residente na makibahagi sa mga aktibidad at selebrasyon na inihanda para sa pagdiriwang ng kapistahan ng bayan.
Ilan sa mga tampok na programa ay patopat festival, community grand parade at iba pa.
|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments