PPA, aminadong walang magagawa sa pang-aabuso ng mga importers sa sistema sa pantalan

Tali ang kamay ng Philippine Ports Authority o PPA hinggil sa problema sa mga abusadong importers na ginagawang warehouse ang ilang pantalan sa bansa.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, tanging penalty fees lang ang kanilang maaring ipataw sa mga importers na hindi naglalabas ng kanilang mga kargamento sa pantalan.

Ang mga naturang penalty fees naman aniya ay taos pusong binabayaran ng mga importers dahil di hamak na mas mababa ito kumpara sa mga warehouse fees sa labas ng pantalan.


Hindi rin naman aniya nila pwedeng kumpiskahin o buksan man lamang ang mga naturang kargamento dahil ito ay trabaho na ng customs.

Dahil dito, bagama’t tuloy-tuloy ang paglabas ng mga kargamento sa mga pantalan ay nanatili pa ring mataas ang port utilization rate ng mga container yards.

Facebook Comments