Pinuna ng Commision on Audit ang Philippine Ports Authority (PPA) matapos na masilip ang pagpapagawa ng isang infinity pool at karagdagang kwarto sa Ports Management Office-Northern Luzon na nagkakahalaga ng ₱10.8 million.
Ayon sa COA, hindi naman kinakailangan ang pagpapagawa ng ganito lalo na’t dahil dito ay ilang establisyimento ang giniba na nauwi sa pagkasayang ng pondo ng bayan.
Matatandaang kahapon ay sinabi ng PPA na natapos na nila ang renovation ng training facility na layong kumita rin sa pamamagitan ng pagpapa-renta.
Samantala, nakitaan din ng COA ng kwestiyunableng paggastos ng pondo ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos na bumili sila ng sanitary napkins sa isang construction and trading company.
Ayon sa tanggapan, kaduda-duda ang ₱1.269 million na paggastos ng OWWA lalo na’t hindi naman ito binili sa kilalang tindahan at wala ring maayos na listahan.