PPA, iginiit na walang kinalaman sa taas-pasahe sa mga barko

Nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pasahero na wala silang control o kinalaman sa kahit anong pagtataas ng pasahe sa mga sasakyang pandagat.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, ito ang dahilan kung bakit siya mismo ay lumabas at nanawagan na huwag biglain ang mga pasahero sa mga taas-pasahe.

Paliwanag ni Santiago, tanging ang mga charges na pinapataw ng PPA ang regulated at maliban dito, lahat ng sinisingil sa pantalan ay deregulated o walang nagkokontrol.


Nabatid na ito ang naging pahayag ni santiago matapos makatanggap ng reklamo ang PPA hinggil sa mga pagtaas ng pasahe sa pantalan.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga pasahero sa mga pantalan na maiging alamin sa mga pamunuan ng pampasaherong barko ang dahilan ng kanilang pagtataas ng pasahe upang hindi mabigla sa pagsakay sa mga ito.

Facebook Comments