PPA, inaasikaso na ang Badjao na nakatakdang umuwi ng Zamboanga ngayong araw

Isa-isa ng inaasikaso ng mga tauhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga kababayan natin Badjao para makasakay na ng barko at makauwi na ng Zamboanga.

Ilan sa kanila ay may hawak ng negatibong resulta ng RT-PCR test habang ang iba naman ay sumalang na sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Nasa halos 200 Badjao ang nasa loob na ng Manila Northport Passenger Terminal kung saan ang ibang bagong dating na kasama nila na may hawak na negative RT-PCR test result at vaccination cards ay pinapasok na rin pero sasailalim sa antigen test.


Isa-isa rin hinahakot ng mga kababayan natin Badjao ang kanilang mga gamit at kung maaalala, ilang araw rin silang nanatili sa labas ng nasabing terminal.

Una ng nagpaabot ng tulong sa mga naistranded na mga Badjao ang lokal na pamahalaan ng Maynila, PPA, Philippine Red Cross kasama na ang iba’t ibang pribadong grupo at indibidwal.

Muling nilinaw ng PPA na ang mga naistranded na Badjao ay walang maipakitang negative result ng RT-PCR test na nire-require sa Zamboanga City at hindi sila ang naglabas ng kautusan nito.

Facebook Comments