PPA, MARINA at Coast Guard, nag-abiso sa publiko hinggil sa delay sa biyahe ng mga barko patungo sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette

Nag-abiso sa publiko ang Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority (MARINA), at Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa pagkaantala ng kanilang mga biyahe patungo sa mga lugar sa Bicol, Visayas at Mindanao na matinding hinagupit ng Bagyong Odette.

Ito ay dahil sa punuan ang mga pantalan sa naturang mga lugar dahil marami pang ports ang hindi pa naisasaayos matapos masira ng bagyo.

Dagdag pa rito ang matumal na biyahe ng mga barko dahil sa maalon na karagatan partikular sa Matnog Port sa Sorsogon, Allen Port sa Northern Samar, Liloan Port sa Southern Leyte, at Lipata Port sa Surigao del Norte.


Bunga nito, pinapayuhan ng PPA, MARINA at PCG ang publiko na ikonsidera ang ibang ruta tulad ng Pilar, Sorsogon o Pio Duran, Albay patungong Masbate at Cebu enroute para naman sa mga patungo ng Visayas at Mindanao.

Gayundin ang Lipata, Surigao del Norte patungo ng Opol, Misamis Oriental para naman sa mga tutungo ng Luzon.

Facebook Comments