Binalaan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang publiko hinggil sa mga scammer na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensya.
Nabatid na ilang mga reklmo na ang natatanggap ng PPA kung saan bukod sa pangalan ay ginagamit rin ang logo nila para makapang-scam online.
Partikular sa pag-deliver at pagkolekta ng mga package sa pantalan.
Paalala ng PPA, wala silang anumang transaksyon pagdating sa mga delivery at package na kailangan bayaran muna bago makuha sa mga pantalan na sakop ng nasabing ahensya.
Hindi rin sangkot ang PPA sa anumang uri ng scam na gumagamit ng pangalan at logo ng nasabing ahensya.
Payo pa ng PPA, maging mapanuri at mag-ingat ang publiko sa mga transaksyon na gagawin via online at huwag maniwala sa mga mapagsamantalang scammer na ginagamit ang kanilang tanggapan.