
Nagpaalala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko na maagang planuhin ang biyahe upang maging ligtas at maayos na biyahe ngayong Undas.
Ang paalala ng PPA ay kasunod ng inaasahang milyon-milyong bilang ng mga indibidwal na dadagsa sa mga pantalan para gunitain ang Undas.
Bukod dito, maigi rin na kumpletuhin ang requirements na hinahanap para sa maayos na proseso sa mga pantalan.
Dagdag pa ng ahensya, maiging hawakan at huwag pabayaan ang kasamang mga bata sa mataong lugar upang walang maging problema habang siguraduhin rin ang kalusugan ng mga senior citizen na ba-biyahe.
Giit ng PPA, huwag mahiyang humingi ng tulong sa kanilang staff kung may kailangan upang walang maging problema sa pagbiyahe sa mga pantalan.
Facebook Comments









